Mga atleta ng Russia kailangang harapin ang complete isolation, ayon kay Ukraine Pres. Zelensky

Kailangan harapin ng mga atleta ng Russia ang complete isolation at hindi na dapat tanggapin sa 2024 Olympic Games ayon kay Ukraine president Volodymyr Zelensky.

Sinabi ni Zelensky kay International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach na mahigpit niyang tinutulan ang mga hakbang ng US Olympic at Paralympic Committee na payagan ang mga atleta mula sa Russia at Belarus na makipagkumpetensya sa 2024 Paris Games.

Sinabi ng US officials na mayroong “unanimous interes” sa mga delegado sa IOC summit upang makabuo ng hakbang na magpapahintulot sa mga atleta mula sa Russia at Belarus na bumalik sa kompetisyon.

Ang Russia at Belarus ay nahiwalay sa international sport mula nang ilunsad ng Moscow ang pagsalakay nito sa Ukraine noong Pebrero.

Gayunpaman, hindi sang ayon si Zelensky sa desisyon ng Amerika, na sinasabing “mula noong Pebrero, 184 na mga atleta ng Ukraine ang namatay bilang resulta ng mga aksyon ng Russia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *