Average Daily Attack Rate at Growth Rate ng COVID-19 sa City of Ilagan, tumaas

Tumaas sa 3.12% mula sa dating 2.02% ang average daily attack rate ng COVID 19 sa City of Ilagan sa 3.12%.

Ito ang kinumpirma ni City Mayor Josemarie Diaz sa kanyang official statement noong August 9, 2021.

Ayon sa alkalde, sa nakalipas na tatlong araw ay nakapagtala ng average 10 daily cases ang syudad na dahilan upang tumaas ang ADAR nito.

Maliban dito ay umakyat din sa 172% ang 2-week growth rate mula sa dating 46.6% na nagdala upang mapabilang sa moderate risk classification ang lunsod.

Karamihan umano sa mga nagpopositibo sa virus ay pawang mga galing sa labas ng syudad at may travel history sa mga lugar na nasa medium o high risk classification.

Ilan din sa mga ito ay mga LSI na walang kaukulang dokumento at hindi dumaan sa anumang test kung saan sa kanilang pagdating sa syudad ay natukoy na sila ay positibo sa virus.

Inihayag pa ni Mayor Diaz na posible pa umanong tumaas ang COVID cases sa lugar kung papayagang maglabas-masok ang mga tao nang hindi dumadaan sa mga controlled checkpoint.

Kaugnay nito, umapela ang alkalde sa publiko na maging vigilant at mas maging maingat sa sarili sa mas nakakahawang virus.

Pinaalala rin niya ang mandatong pagsusuot ng facemask at face shield, social distancing at iwasan ang matataong lugar upang maiwasang mahawaan at makapanghawa pa ng ibang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *