Ayuda distribution para sa NCR households na apektado ng ECQ, sa Miyerkules na

Magsisimula na sa Miyerkules ang pamamahagi ng cash assistance sa low-income households sa National Capital Region (NCR) na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na simulan ang distribution ng financial aid nang sabay-sabay sa naturang petsa.

Dagdag ni Malaya, karamihan sa mga local government units ay maglalabas ng pondo sa pamamagitan ng distribution points.

Sa gitna ng banta ng COVID-19, ipopost ng mga alkalde ang listahan ng mga benepisyaryo at ang kanilang schedule para sa pag-claim ng ayudad.

Nababatid na nasa 11 million na mga residente ng NCR ang makakabenepisyo mula sa cash assistance, na nagkakahalaga sa P1,000 per individual hanggang sa P4,000 maximum per household. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *