Babae, arestado sa pagnanakaw sa convenience store sa Batangas

Arestado ang isang babae matapos na mahuli itong nagpuslit ng ilang produkto sa SIDC Coop Mart sa may Brgy. Rillo, Tuy, Batangas.

Kinilala ng Tuy Municipal Police Station ang suspek na si Arlene Ramos, 21 anyos at residente ng Brgy 10 Balayan, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, Alas-2 ng hapon ng ika-1 ng Hunyo ng pumasok ang suspek sa nasabing convenience store para bumili ng ilang produkto.

Habang nasa loob ng store napansin siya ng isang empleyado na naglalagay ng ilang items sa bag nito.

Dahilan para obserbahan siya kung babayaran niya ang mga naitagong items sa kanyang bag. Subalit, hindi mismo binayaran ng suspek ang mga nakuha niyang items sa nasabing convenience store.

Kaagad na dinala ang suspek sa malapit na himpilan para maglatag ng reklamo dito.

Narekober mula sa suspek ang ilang produkto na umaabot ang halaga sa P1,260.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng nasabing himpilan ang suspek at mahaharap sa kasong pagnanakaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *