Camarines Sur nakapagtala ng 228 dengue cases; search and destroy paigtingin ayon sa DOH

NAGA CITY- 228 dengue cases ang naitala ng Camarines Sur mula Enero hanggang nitong Mayo 31, 2022.

Ito ay base sa tala ng  Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD)- Bicol. Nasundan ng Camarines Norte na may 77 at 42 sa Catanduanes.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay DOH Camarines Sur Provincial Officer Dr. Rey Millena, sinabi nitong sa buong Camarines Sur Naga City pa rin ang may pinakamaraming naitala.

Kaugnay nito pinapayuhan ni Millena ang publiko na paigtingin ang search and destroy. Maglinis at hanapin ang lugar na paborable upang makapangitlog ang mga lamok.

Sinabi rin ng DOH- Provincial Officer na magbantay din ang mga paaralan lalo na ngayong tag-ulan. Mas maraming bata ang nasa labas dahil sa limited face-to-face classes kaya mas mataas din ang exposure nila para makagat ng lamok na may dengue virus. 

Ang Hunyo ay Dengue Awareness Month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *