Babae, patay matapos matabunan ng bato

Nasawi ang isang babae matapos matabunan ng malaking bato habang naghuhukay sa Sitio Camogao, Brgy.Tambulan, bayan ng Tayasan lalawigan ng Negros Oriental.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant Charliven Gantalao ng Tayasan PNP sa panayam ng Brigada News FM Dumaguete, ang biktima ay kinilalang si Virgelle Cuevas, 34 taong gulang at may 4 na maliliit na anak.

Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, naghuhukay umano sa lupa ang biktima sapagkat may plano ang kanilang pamilya na gawan ng terrace ang kanilang bahay at dahil sagabal ang naturang malaking bato, plano nilang ilibing ito.

Sinabi rin ng biyenan ng biktima na si Badisa Cuevas na inabisohan pa nya si Virgelle na itigil na muna ang paghuhukay ngunit wala pang dalawang minuto ng bumalik sya sa bahay ay narinig na nya ang pagsisigawan ng mga bata roon.

Napag-alaman na sa kalagitnaan ng paghuhukay, gumulong ang naturang bato sa may hukay at naipit ang biktima at dahil sa laki nito, medyo natagalan pa ang pamilya at ang mga taga roon sa pag-alis ng bato na syang dahilan ng pagkasawi ng biktima.

Samantala, nangako naman ang iilang opisyal ng barangay na magbibigay ng tulong ang barangay sa pamilyang naiwan ng biktima

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *