Bagong bukas na factory ng isang multi-national company, bunga ng investment pledge na nakuha ni PBBM sa Brussels

Nasa humigit kumulang limang libong direct at indirect employment opportunity para sa mga Pilipino ang inaasahang maibibigay ng bagong bukas na Beauty & Wellbeing and Personal Care o BWPC Factory ng Unilever.

Sa pagdalo ni Pangulong Bongbong Marcos sa inagurasyon ng BWPC Factory sa Gen. Trias Cavite kaninang umaga, sinabi nitong ang 4.7 billion investment ay nakuha nito sa sidelines ng ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels noong December 2022.

Muli ring iginiit ng Pangulo ang mga strategic initiatives na ikinakasa ng kanyang administrasyon, tulad ng pagbuo ng green lanes, pagsuporta sa mga eco-zones, pag amyenda sa Public Service Act, Foreign Investment Act, at Retail Trade Liberalization act para mas maka engganyo pa ng mga foreign investment.

Samantala ang operasyon ng naturang multi-national company sa Pilipinas ay ika-13 largest operating sites nito sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *