16-anyos na binata sa Cebu, patay nang mabagsakan ng punong natumba dahil sa malakas na ulan

Dead-on-the-spot ang isang 16-anyos na batang lalaki matapos aksidenteng natumbahan ng puno ng niyog dahil sa lakas ng ulan sa lungsod ng Sogod, hilagang bahagi ng Cebu.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Kapulisan sa Sogod, naglalakad ang biktima sa ilalim ng mga puno ng niyog pauwi sa kanilang bahay nang hindi nito namalayan ang nabali na puno at natumba sa kanya na naging dahilan sa agaran nitong pagkamatay.

Nakuha pa sa tabi ng katawan ng biktima ang payong na ginamit nito para makaiwas na mabasa sa ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *