Bagong diskubreng species ng water lily sa Bolivia, kinilala bilang “Largest Water Lily” sa buong mundo

PINALAKPAKAN ng Guinness World of Records ang bagong nadiskubreng species na water lily na tinatawag na ngayong Victoria Boliviana matapos na makumpirma ito bilang world’s largest species of water lily nito lamang January 30, 2023 sa Northeastern Bolivia.

Ayon sa record matatandaan na napagkamalan na giant species ang   isa pang species sa London’s Kew Gardens sa loob ng  mahigit 100 taon, na tinawag nilang Victoria Amazonica kung saan ito ay pinamagatang “Queen Victoria” noong 1852.

Subalit ayon sa mga biologists napag-alaman na ang nasabing titulo ay para sa bagong species na kanilang na diskubre na ngayon nga ay tinatawag ng Victoria Boliviana.

Ang nasabing Victoria Boliviana na ito ay di umano’y lumalaki ng mahigit 3m o 10 feet wide at tumitimbang naman ng at least 176 pounds, samantala pagdating sa mga bulaklak nito, ito ay kayang bumuka ng hanggang 36 cm o  1 feet and 2 inches katumbas na ng isang car steering wheel.

Tila nga hindi tayo binibigo ng kalikasan sa napaka-maraming bagay dahil maraming pa tayong matututunan at matutuklasan na hindi pa natin nakikita at nalalaman.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *