Bagong Youth rehabilitation sa lalawigan ng Bulacan, pinasinayaan na-

Binuksan na ang bagong Youth Rehabilitation sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ay matapos na pasinayaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ang “Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center o TPYRC sa Barangay Bulihan, Malolos nakalipas na mga araw.

Ayon kay TPYRC Head Jay Mark Chico, ang center ay magsisilbing gabay o rehabilitasyon ng mga minor-aged law offender o Children in Conflict with the Law o CICL.

Samantala, tanging ang Bulacan lamang ang may ganitong uri ng pasilidad para sa mga CICL sa Central Luzon.// BNFM OLONGAPO-ARJAY  SUPE

Courtesy  by: Provincial Government of Bulacan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *