Juban MDRRMO patuloy ang monitoring sa mga bahaing lugar

Patuloy ang Juban Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pagmonitor sa lahat ng mga bahaing lugar sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Brigada News kay Juban MDRRMO head Ardee Logronio, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay upang matiyak na mababantayan ang naturang mga flood prone areas lalo pa at tuloy- tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan.

Binanggit nito na kahapon ng alas 8:00 ng umaga ay umabot na sa yellow ang lebel ang tubig sa Cadac-an river kung saan sa kabutihang palad ay wala  namang naitalang pagbaha partikular na sa Purok 7 ng Barangay Embarcadero.

Aniya, tanging mga naitalang lugar na may pagbaha ay ang mga Sitio ng Ilawod at Iraya sa Barangay Beriran kung saan kahapon ay sinuspende na rin ang pasok sa elementarya sa nasabing lugar gayundin sa Barangay Sablayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *