Bahay ng kumakandidatong congresswoman sa 4th district ng isabela, pinaputukan

Kasalukuyan pa rin ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa nangyaring pamamaril sa bahay at headquarter ng tumatakbong kongresista sa ikaapat na distrito ng lalawigan ng Isabela sa Barangay Batal, Santiago City pasado alas-11 kagabi, March 30, 2022.

Ang biktima ay si Jeany Coquilla, 50-anyos, Political aspirant at residente sa nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ng Santiago City Police Station 4, una rito ay nakatanggap umano sila ng tawag kaugnay sa naganap na pamamaril bandang ala-1:45 kaninang madaling araw.

Agad namang rumpisonde ang kapulisan kung saan tumambad ang mga basyo ng bala sa harapan ng gate ng bahay ng biktima.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong empty shells ng 45 na kalibre ng baril at isang piraso ng papel na may nakasulat na” “ATRAS KA NALANG KONG AYAW MONG MAY MASAMANG MANGYARI”.

Bago umano ang pangyayari ay kasalukuyang nagpapahinga ang biktima kasama ang mga kapamilya at kaibigan nito nang biglang marinig ng security guard ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril ng mga hindi patukoy na salarin.

Batay sa salaysay ng IT Personnel ng naturang kandidato, hindi umano gumagana ang mga nakakabit na CCTV sa harapan ng headquarter dahil under maintenance ang mga ito.

Si Coquilla ay isa sa limang tumatakbong kandidato ng pagkakongresista sa 4th district ng Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *