Bagong munisipyo ng Botolan, opisyal ng binuksan sa publiko

Opisyal nang binuksan sa publiko ang bagong tayong municipal building ng Botolan Zambales.

Ito ay naitayo sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng botolan sa isang partylist na matagal ng sumusuporta sa mga proyektong bayan.

Ang bagong gusali ay pinasinayaan at binasbasan nakaraang March 30 ganap na alas ocho ng umaga.

 Ayon naman sa lokal na pamahalaan inihahanda na rin nila ang mga bagong kagamitan na inilagay  sa gusali upang mas magiging maganda ang ‘ambiance’ ng kanilang mga empleyado sa pag sisimula ng trabaho.

Matatandaang ang bagong gusali ng LGU Botolan ay sinimulang itayo nakaraang Marso taong 2020 sa kasagsagan ng pananalasa ng pandemyang dulot ng  COVID-19.//Russell BanawaBNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Botolan Municipal Hall

May be an image of text that says 'MAXAN Mangosteen Xanthone MAXAN Xanthone Mangosteen 10 U MAXAN Shop Shopow! now! Ϲογγεε Blend Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *