Bahay ni Jaya sa US, nasunog

Ibinahagi ng singer na si Jaya sa pamamagitan ng kanyang Instagram post na nasunog ang kanilang bahay sa Amerika.

Ayon sa singer, ligtas ang buo naman umano ang kanyang pamilya matapos ang insidente.

Sa naturang larawan, makikitang basag basag ang glass windows ng kanilang bahay at naabo rin ang kanilang garahe.

Sa comment section, nagpaabot ng dasal at mensahe ang ilang kapwa niya celebrities tulad nina Pokwang, Pops Fernandez, Heart Evangelista, Candy Pangilinan, at iba pa.

Matatandaan noong 2021 nang magpasya si Jaya na manirahan na sa US kasama ang kaniyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *