Pambato ng Pilipinas para sa International Chess Tournament sa Indonesia, residente ng Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Ipinakilala ng Provincial Government of Albay ang pambato ng Team Pilipinas para sa International Chess Tournament na gaganapin sa Bali, Indonesia sa Oktubre na kung saan ito ay isang residente ng Brgy. Binitayan, Daaga, Albay.

Ang nasabing sasabak sa tournament ay ang 16-anyos na si Franklyn Lloyd Andes,kung saan ay walong gulang pa lamang ito nang magsimula ng paglalaro ng chess.

Ayon kay Andes, unang sabak pa lamag sa paglalaro ay nakaranas ito ng pag-iyak dahil sa pagkatalo na naging dahilan sa biglang pagdesisyon na umuwi na lamang.

Aniya, hindi siya sumuko sa paglalaro, kung kaya’t nagsimula ulit sa pagsasanay hanggang sa mapabilang sa Palarong Pambansa sa edad na 12-anyos, at nang makitaan na mayroong galing o potensyal sa paglalaro ay kinuha ito ng Far Eastern University (FEU).

Ayon sa kaniyang ama na si Edgardo Andes, ang kaniyang mga tiyuhin at mga kapatid ay pawang mga manlalaro na sa chess.

Umaasa naman siya na papalarin ang kaniyang anak sa pagsabak nito sa internasyunal na tournament.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *