Bahay ni LTFRB chairman Guadiz sa Pangasinan – nilooban!

Nilooban ang bahay ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz isang araw bago ang tigil-pasada ng mga transport groups.

Sa ulat ng mga otoridad – pinasok daw ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng mga Guadiz sa Dagupan City, Pangasinan.

Ang siste – nagpanggap daw ang mga ito na mayroong ihahatid na regalo kaya naman nang buksan na ang gate ay pumasok na ang mga ‘di pa nakikilalang suspek.

Hinanap pa raw nila ang mismong chairman ngunit wala siya rito nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente, at inaalam pa kung may kaugnayan ito sa transport strike.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *