Bahay sa Laguna at Caloocan na pinagtataguan umano ni Bantag – sinalakay ng NBI

Sabay na sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang bahay sa Sta. Rosa Laguna at Caloocan City na pinaniniwalaang pinagtataguan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag para isilbi ang warrant of arrest.

Sa Laguna, idineklarang walang tao ang naturang mga safehouse pagkatapos ng ilang minutong paghahanap pero may nakitang pitong bala ng 9mm at isang resibo mula sa fast food chain na may petsang April 2.

Samantala, wala ding naabutan sa bahay sa Caloocan gayunpaman may nakitang mga baril na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Bantag.

Ayon sa NBI, tuloy-tuloy ang kanilang paghahanap sa dating BuCor General na may reward sa ulo na P2M para sa kasong pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid noong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *