New York City, niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol

Isang 4.8-magnitude na lindol ang tumama sa New York City noong Biyernes ng umaga o kagabi dito sa Pilipinas, ayon sa U.S. Geological Survey.

Niyanig nito ang mga gusali at ikinagulat ng mga residente dahil ang New York ay bihirang makaranas ng seismic activity.

Ayon naman sa ew York City Police Department, wala silang natanggap na anumang ulat ng mga pinsala.

Siniguro naman ng gobyerno ng New York at New Jersey na nagsasagawa na sila ng emergency responses hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *