BAI, tiniyak na walang kaso ng bird flu sa mga meat type o uri ng manok na karaniwang mabibili sa mga palengke

Tiniyak ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry na wala pang kaso ng H5N1 o bird flu sa mga meat type o kakataying manok sa bansa.

Ito ay kahit pa may mga naitalang kaso sa ibat-ibang probinsya kabilang ang Bulacan, Pampanga, Laguna, Sultan Kudarat at Camarines Sur.

Ayon kay Bureau of Animal Industry Director Dr.Reildrin Morales, tanging sa mga pato, pugo at isang backyard chicken farm lang nagkaroon ng mga kaso pero hindi sa mga meat type at paitluging manok.

Dahil dito, tiniyak ni Morales na hindi pa dapat ikaalarma ng husto ang kaso ng bird flu sa bansa pero kailangan pa ring magdoble ingat lalo na ang mga local government unit sa pagpapasok ng mga domesticated birds.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *