Bakla na hindi nagbayad ng ‘bebe boy’ at room, inireklamo!

Nagpapahinog ngayon sa Roxas PNP ang isang myembro ng LGBT community na alyas ‘Lancelot’, nasa hustong gulang.

Ayon sa PNP, si Lancelot ay inireklamo ng roomboy ng isang lodging house sa Barangay 1, Roxas matapos na mag-check in ng isang gabi sa kwarto at hindi umano nagbayad.

Madaling araw ngayong Huwebes nang humingi ng tulong si Lance sa pulisya dahil sa pananampal umano sa kanya ng room boy.

Depensa naman ng roomboy, nag-iskandalo at hindi nagbayad si Lance sa ginamit na kwarto kagabi pati na sa ‘Bebe boy’ nito.

Pero paliwanag naman ni Lance ay aalis lamang siya para kumuha ng pera ngunit babalik naman para magbayad pero hindi pumayag ang unang nagreklamo.

Samantala, ipauubaya ng Roxas PNP ang usaping ito sa barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *