Ban sa open pit mining sa So.Cot, tinanggal na ng Sangguniang Panlalawigan

KORONADAL CITY- APRUBADO na sa third and final reading ng Sangguniang Panlalawigan ang amendment sa Environment Code ng South Cotabato partikular ang pag-lift sa open pit mining ban.
Sa isinagawang session ngayong umaga, naging unanimous ang desisyon ng mga SP members sa isinusulong na ordinansa at walang ni isa na tumutol o nag-object.

Kabilang sa mga present sa session sina Board Members Hilario De Pedro VI, Edgar Sambog, Dardanilo Dar, Rolando Malabuyoc, Noel Escobillo, Antonio Fungan, Alyssa Marie Fale, Henry Ladot, Eamon Matti, Rose Grace Achurra at Glezel Mariano Trabado na umupong presiding officer.
Sa naturang mga board members, walang isang tumutol.

Napag-alaman na hindi nakadalo sa session si Board Member Ester Marin Catorce dahil ito ang umupong acting governor kapalit ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na nasa abroad.

Naka-leave din si Vice Governor Vicente De Jesus, Board Member Ellen Grace Subere Albios, at Jinky Avance-Samodal.

Ito ang unang session ng Sangguniang Panlalawigan pagkatapos ng eleksyon.

Bago ang ginanap na regular session ngayong araw, tatlong magkasunod na Lunes na walang session ang SP dahil sa kawalan ng quorum.

Dahil sa pagtanggal sa ban sa open pit mining, inaasahan na makakapagsimula na ng kanilang operasyon ang Sagittarius Mines Incorporated (SMI) sa bayan ng Tampakan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *