Pinas, umariba sa dancesport events!

Sinalubong ng Philippine Sports Commisison kasama si Senador Francis Tolentino ang ikalawang batch ng mga atletang umuwi na ng Pilipinas galing sa Vietnam.

Kabilang rito ay ang Kickboxing team na naguwi ng dalawang gold medals, 4 na silver, at 2 bronze medals.

Umuwi na rin matapos ang kanilang mga laban ang ilang mga athlets mula sa Wushu kasama ang gold medalist na si Agatha Wong, kasama na rin ang team jujitsu, at sa e-sports representatives.

PSC Photo

Ngayong araw, tuloy pa rin ang paghakot ng mga medalya ng Team Pilipinas sa iba’t ibang mga palaro.

Gold medal ang baon pauwi ng tambalang Stephanie de Leon at Michael Angelo Marquez para sa dancesport – Single Dance Latin Cha-Cha event; habang silver ang kanilang sinungkit sa all five dances latin event, at sa single dance latin jive.

Sa danscesport pa rin, sina Wilbert Aunzo at Pearl CaƱeda ay kumana ng dalawang bronze medal para sa single dance – latin – rumba; at sa latin – paso doble event.

Sa athletics, mag-uuwi ng bronze medal si Joida Gagnao para sa women’s 300m steeplechase.

Silver medal naman ang nasungkit ni Aries Toledo sa Men’s Decathlon.

Para naman sa fencing, silver medal ang baon-baon ni Nathaniel Perez pauwi para sa men’s individual foil category.

Sa swimming, mayroon ding silver si Jessica Joy Geriane sa women’s 50m backstroke event.

Mamayang hapon, nakatakdang humarap ang ating Women’s players para sa bowling singles events.

Thailand naman ang makakalaban ng Men’s Team ng badminton para sa quarterfinals.

Haharap din ang ating mga atleta sa Men’s Mountain Bike cross-country olympic event.

Nananatili ang Pinas sa 3rd spot matapos kumana ng 84 medals – 20 gold medals; 27 silver; at 37 bronze.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *