Bangkay ng isang batang babae natagpuan sa Lower Kalaklan

Natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakilalang batang babae sa may Purok 6 Ocean View Lower Kalaklan, Olongapo City kahapon bandang ala una ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng OCPO Station 1, nakita ng isang mangingisda ang kulay blue na traveling bag na palutang-lutang sa tubig.

Nang ito buksan ng nakakitang mangingisda ay nadiskubre ang isang bata na tinatayang nasa 5-7 years old, nakabalot sa kumot at may kapayatan ang katawan.

Panawagan ng OCPO Station 1 na kung sinuman ang may hinahanap na batang babae o posibleng nakakaalam kung sino ang may kagagawan nito ay makipag-ugnayan lamang sa pulisya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *