Bangus grower sa isang Barangay ng Mercedes pinagkalooban ng Coil spring resilient fish cage ng BFAR

CAMARINES NORTE- Pinagkalooban ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)  ng isang Coil spring resilient fish cage ang mga bumubuo ng Aktibong Samahan ng mga Mangingisda tungo sa Maunlad  at Malinis na Pamayanan ng Mercedes sa Barangay Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte.

Ang grupo ay mayroong hindi bababa sa tatlumpung miyembro ng mga bangus grower sa naturang lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na isa itong proyekto ng ahensiya na bahagi ng kanilang Mariculture program para sa mga mangingisda bilang tulong na rin sa kanila ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Tiam, resilient ang fish cage na ito sa hangin at bagyo kung saan mayroong ilalagay na sampung libong bangus na palalakihin ng mga benepisyaryo.

May kasama na rin itong libreng feeds para sa bangus at ang gagawin lang ng mga benepisyaryo ay alagaan ito hanggang sa araw ng pag harvest.

“Ito po ay package na project sa kanila na kung saan ibibigay po sa kanila yung fish cage na yun, yung coil spring resilient po yun sa hangin sa bagyo o anumang kalamidad at meron po siyang sampung libong bangus na ilalagay po doon at aalagan nila yun hanggang sa lumaki at yung gagamitin po nilang feeds ay libre pong ibibigay sa kanila na kung hindi po ako nagkamamali ay nasa 273 na sako ng pagkain ng bangus hanggang sa pag harvest, ani Tiam.

Ito umano ang pinaka unang Coil spring resilient fish cage na ipinagkaloob ng BFAR sa lalawigan at maswerteng ang Mercedes ang naging benepisyaryo.

Una umano itong inirekomenda sa Capalonga at Jose Panganiban pero hindi nakalusot sa assessment ng BFAR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *