Bantag, handang irekomendang makulong sa Camp Crame sakaling tuluyang sumuko

Irerekomenda ng Department of Justice na makulong sa Camp Crame Custodial Center si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag sakaling tuluyan na itong sumuko.

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, kung tototohanin ni Bantag ang kanyang unang pahayag na intensyong sumuko, gagawin aniya nila ang lahat para sa kanyang kaligtasan.

Ito ay sa halip na dalhin siya sa BJMP o BuCor facility na posibleng manganib umano ang kanyang buhay.

Una nang sinabi ng kalihim na nagpahayag na si Bantag ng kahandaang sumuko, na ipinarating nito sa pamamagitan ng pagtawag sa isang hindi naman nito pinangalanang kasamahan niya sa gabinete.

Sa ngayon, binibigyan pa nila ng panahon si Bantag para sumuko.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *