Bata sinagip ng aso mula sa nasusunog na bahay

May sikat na kasabihana “ A Dog is the only thing in earth that loves you more than he loves himself” at ito ang pinatunayan ni Princess isang a four-month-old Belgian Malinois sa General Santos City matapos nitong sagipin ang anak ng kanyang amo sa nangyaring sunog noong Abril 20 ngayong taon.

Gabi ng Huwebes nang tinupok ng apoy ang ilang bahay sa Barangay Calumpan pati narin ang bahay ng amo ni Princess at sa pangyayari ay nagsitakbuhan ang lahat para sagipin ang kanilang sarili mula sa higanteng apoy.

Si Princess ang nagpakita umano ng kakaiba nang tila may gusto itong sabihin sa kanyang amo at wala itong tigil sa pagtahol at gustong pumasok sanasusunog na bahay.

Hindi naman nagdalawang isip ang amo nito kaya agad sinundan si Princess papunta sa kwarto kung saan natutulog ang 5 taong gulang na bata na agad kinuha ng ama at tumakbo palabas bago paman nag-collapse ang bahay.

Ligtas ang mga amo ni Princess ngunit nagtamo ang aso ng mga paso sa katawan lalo na sa kanyang mga paa at sa ngayon nasa pangangalaga na ito sa isang non-government organization pati narin ang City Veterinary Office ng General Santos City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *