Bantag, nagsampa ng kaso laban kay Remulla at iba pa sa Ombusdman kaugnay ng pagkamatay ng broadcaster na si Percy Lapid

Nagsampa ng reklamo si suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag laban kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at iba pa sa Office of the Ombudsman kaugnay ng pagkamatay ng broadcaster na si Percy Lapid.

Sa 15-pahinang reklamo na may petsang January 4, inakusahan ni Bantag sina Remulla at BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. ng murder, grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at conduct unbecoming of a public official.

Ang iba pang respondents sa reklamo ay ang mga inmates na si German Agojo, na nakatanggap umano ng utos mula kay Remulla na maghanap ng mga taong pumatay kay Lapid, Alfie Penaredondo, Aldrin Galicia, Mario Alvarez, at Alvin Labra.

Iginiit ng kampo ni Bantag na si Remulla umano ang may pakana sa pagpatay kina Lapid at Jun Villamor, ang preso na umano’y nagsilbing middleman.

Nanawagan si Bantag sa Ombudsman na agad na maglabas ng preventive suspension order laban kina Remulla at Catapang at magsagawa ng imbestigasyon sa mga pagpatay kina Lapid at Villamor.

Bilang tugon sa reklamo, binansagan ito ni Remulla bilang isang desperadong gawa ng isang desperadong tao.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *