Conjoined twins naitalang may pinaka-maraming anak sa Guiness World of Records sa kabila ng kanilang kalagayan

NAITALA sa guiness world of records ang isang conjoined twins na kilala sa tawag na Siamese Twins na sina Chang  at Eng ng  Bunker sa bansa ng Siam, na ngayon ay Thailand na.

Sina Chang at Eng ang tinaguriang may pinaka-maraming anak na may bilang na 21 sa kabila ng kanilang kalagayan. Hindi naging hadlang ang kanilang pagkakadikit upang makapangasawa at magkaroon ng pamilya.

Napangasawa ng kambal ang makapatid na sina Adelaide at Sarah Yates na nagtayo pa ng magkahiwalay na bahay. Ayon sa kambal, gumugugol sila ng tatlong araw sa bawat oras nila sa kanilang mga sariling pamilya.

Sina Chang at Adelaida ay nakabuo ng 10 anak habang sina Eng at Sarah naman ay labing isa dahilan upang maging 11 ang kabuuang bilang ng mga anak ng nasabing kambal.

Sa kasamaang palad pagsapit ng edad 50 anyos na stroke si Chang na nagdulot ng matinding panghihina dahilan upang ang kanyang kambal na si Eng ang gumawa ng lahat upang tulungan at alalayan ang kanyang kambal sa araw-araw na gawain.

At sa edad, na 62 anyos namatay si Chang sa kanyang pagtulog habang makalipas ang dalawang oras si Eng na ang sumunod.

Sa isinagawang autopsy sa kambal si Chang ay namatay dahil sa namuong dugo sa kanyang utak habang si Eng naman ay nananatiling hindi malinaw ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa kasalukuyan, libu-libo na ang mga inaapo ng kambal. Tuwing Mayo nag titipon ang kanilang malaking pamilya upang gunitain ang kanilang mga dakilang lolo.### CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *