Barangay personnel sa Naga City na nag positibo sa illegal drugs,  nadagdagan

NAGA CITY – Malungkot na kinumpirma ni Triangulo Punong Barangay Allan Beriso na may lima siyang personahe o empleyado ng barangay halimbawa mga taga hakot ng basura at iba pa na nagpositibo sa illegal drugs sa ginawang random drug test noong araw ng Lunes pero daraan pa naman ito sa confirmatory test.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Beriso sinabi niyang nakakalungkot dahil hindi niya inaasahan na may gumagamit ng illegal na drugs sa mga kasamahan niya, sa kabila ng lagi niyang paalala sa mga ito na umiwas sa masamang bisyo.

Kakausapin ng opisyal muna ang limang ito, hihingian ng paliwanag at hindi siya basta –basta magdedesisyon na tanggalin angm ga ito sa trabaho.

Mas lalo anyang lulubog sa problema kung basta niya na lang sisisantihin ang mga ito na hindi dumaan sa tamang proseso. Baka mas lalo pang lumala ang problema , sabi pa ng opisyal.

Sa kabilang banda, masaya naman si Beriso dahil lahat sila sa barangay council mula sa kanya, mga barangay opisyal at secretary ay negatibo sa illegal na droga.

Ang random drug test sa bawat barangay opisyal at personnel ay patuloy na ginagawa ng Naga City Dangerous Drugs Board at ng City Anti-Drug Abuse Council na kung saan may nauna na ring mga nagpositibo.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *