ALECO, inihayag na ang biglaang pagkakaroon ng malaking halagang babayaran sa kuryente ng mga miyembro-konsumidores ay bahagi ng pagkakaiba ng dating operasyon sa kasalukuyan

Inihayag ng Albay Electric Cooperative (ALECO), Inc. na ang inirereklamo ng ilang mga miyembro-konsumidores nito ukol sa biglaang pagkakaroon ng malaking halagang bayarin sa kuryente ay dahil ito umano ang pagkakaiba ng nakaraang operasyon sa kasalukuyan nilang pamamahala.

Sa pahayag ni ALECO Member Services Division Chief Candy Apostol sa Brigada News FM Legazpi, mas maganda umano ang kanilang layunin ngayon upang maabot ang pagiging makatarungan sa lahat.

Kung ano umano ang kanilang konsumo, ay iyon lamang ang mismong lalabas sa kanilang bill.

Aniyo, maaaring sa nagdaang operasyon ay nakita na nilang may defect sa mga metro subalit hindi naman binigyan ng aksyon dahil bumase na lamang sa historical data ng bills.

Nagbabago umano ang presyo ng kuryente at ang ibang mga consumer ay nasanay na maliit lamang ang binabayaran nila na kahit nagkakaroon sila ng dagdag na mga appliances o nag-iiba ang paraan ng kanilang pagkonsumo na dahilan din ng ganitong uri ng mga suliranin.

Binigyang-diin naman ni Apostol na hindi naman nila isasawalang-bahala ang kanilang mga reklamo basta’t pumunta lamang sila sa kanilang tanggapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *