Barkong nagsuplay sa Pag-asa Island, binuntutan ng Chinese Navy

Nabulaga ang BRP Francisco Dagohoy nang buntutan sila ng isang barko ng Chinese military matapos ang kanilang misyon sa Pag-asa Island.

Sa ulat, bigla na lang daw sumulpot ang isang gray na Chinese Navy vessel sa kanilang likuran at wala na ring nangyaring radio challenge.

Ang insidenteng ito ay naganap sa loob pa mismo ng exlusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon sa mga otoridad, hindi ito lumabas sa kanilang radar dahil patay ang automatic identificaiton system ng Chinese vessel.

Sa ngayon, isinumite na raw ng Navy ang report sa National Task Force on the West Philippine Sea para malaman ang mga nararapat na susunod na hakbang. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *