Batanes, isinailalim sa ECQ, total active cases, umabot na sa 121

Isinailalim na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Lalawigan ng Batanes simula ngayong araw, September 20, 2021 na magtatagal hanggang October 4, 2021.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes, patuloy sa pagtaas ng COVID-19 cases sa nasabing probinsya matapos maitala ang kauna-unahang community transmission.

Ngayong araw lamang ay naitala ang 100 na bagong kaso ng COVID-19 at wala namang naitalang nasawi kung saan pumalo na sa 121 ang total active cases ang lalawigan.

Bukod dito, naabot narin ang maximum capacity ng kanilang quarantine at isolation facilities na pinalala pa ng epekto ng Bagyong Kiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *