Maling gawain ng mga kapulisan sa lambak ng Cagayan, hindi kinukonsinti-PRO2

Tiniyak ng Police Regional Office No. 2 sa publiko na hindi nila kinokonsinte ang mga pulis na nasasangkot sa iligal na droga at anumang katiwalian.

Ito ang sinigurado ni PLtCol. Andree Abella, ang tagapagsalita ng PRO 2, sa naging panayam ng 92.9 Brigada News Cauayan City matapos mahuli ang isang pulis kahapon sa isinagawang entrapment operation sa lungsod ng Cauayan dahil sa umano’y

pangingikil.

Ayon kay PLtCol. Abella, magpapatuloy umano ang kanilang pag-iimbestiga sa mga kasamahan nila sa kanilang hanay na sangkot sa mga katiwalian bilang pagsunod sa seryosong  layunin ni PNP Chief Guillermo Eleazar sa paglilinis ng kanyang hanay.

Nakaalerto naman umano ang Regional Intelligence Enforcement Unit na i-monitor ang galaw ng mga kapulisan at nagpapatuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kapulisan sa mga barangay na huwag matakot magsumbong sa kanilang tanggapan kung may hindi ginagawang maganda ang mga pulis sa kanilang lugar.

Dagdag pa ni PLtCol. Abella na bilib umano ang pamunuan ng PRO 2 sa mga Valley Cops dahil mababait at disiplinado ang mga ito kumpara sa mga ibang Regional Offices.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng kanilang hanay sa akusadong pulis dahil sa kasong pangingikil at tinignan ang iba pang sangkot sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *