Batang idineklara nang patay, muling nabuhay habang pinaglalamayan sa Mexico

USAP-USAPAN ngayon sa Mexico ang tatlong taong gulang na batang babae na idineklara nang patay ngunit bumangon mula sa kanyang pagkakahimlay.

Batay sa ulat, idineklarang ‘dead on arrival’ ng sumuring doktor sa isang opsital sa San Luis Potosi ang batang itinago sa pangalangang “Camila” kung saan ‘severe dehydration’ ang itinuturing sanhi ng kamatayan nito matapos makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan.

Habang pinaglalamayan ang bangkay ng bata, napansin umano ng ina nito na tila nag mo-moist o nagpapawis ang kabaong ng bata na senyales na humihinga pa ito.

Kasunod namang napansin ng lola ni Camila ang umano’y paggalaw ng talukap nito sa mata.

Sa puntong iyon, nagdesisyon ang pamilya na buksan ang kabaong ng bata at dito nila napagtantong may pulso pa ito at makailang beses na gumalaw at iminulat ang mata.

Agad na tumawag ng ambulansya ang mga kaanak at muling isinugod sa pagamutan si Camila.

Sa kasamaang palad, masyadong nang mahina ang katawan ng bata kung kaya’t naging pahirapan na sa mga doktor na i-revived ang bata, at sa ikalawang pagkakataon ay idineklara itong ‘dead on arrival.’

Sa kasalukuyan, sinisisi ng mga kaanak nito ang pamunuan ng ospital na unang nag deklarang patay na ang bata kung kaya’t sinampahan nila ito ng kaso at nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil dito.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *