Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte bumaba sa 71

CAMARINES NORTE- Bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Mula sa mahigit isang daan noong nakaraang mga araw, nasa 71 na lang ito ngayon  batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco kaninang umaga.

Pinakamarami pa rin ang aktibong kaso sa bayan ng Daet na nasa 25 mula sa 30 noong mga nakatalikod na araw.

Sinusundan ito ng Paracale na may 12, at tig 7 sa San Vicente at Sta Elena.

May lima namang naitala sa Labo, apat sa Talisay, tig tatlo sa Capalonga at Jose Panganiban, isa sa Basud at Mercedes habang wala namang aktibong kaso sa ngayon ang Vinzons.

Sa kabuuan umaabot na sa 4, 348 ang kabuuang kaso ng COVID- 19  sa lalawigan simula noong 2020.

Aabot naman sa 257 ang bilang ng mga namatay o 5. 91 percent  at 4, 020 ang gumaling o 92. 46 percent.

Patuloy din ang pagbabakuna sa iba’-t- ibang establisyimento , eskwelahan, terminal at maging sa mga simbahan at formation house ng religious community.

Noong nakaraang buong linggo ay nasa 1, 915 ang mga nabakunahan kontra COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *