Batas vs. Human trafficking, dapat palakasin ng mga LGU – BM Maminta

Hiniling ni Board Member Ryan D. Maminta sa pamamagitan ng isang resolusyon na mas palakasin ang Anti- Human Trafficking ng mga Lokal na pamahalaan at Law enforcement unit sa Palawan.

Ayon kay Maminta, nalulungkot siya nang mabalitaan na may mga kababayan na ginagamit sa pang-i-scam sa iba’t ibang mga bansa sa Asya.

May mga insidente rin daw na ang recruitment activities ang pinagmumulan ng Human trafficking kaya dapat umanong mapalakas pa ang batas kontra dito sa buong lalawigan.

Kung matatandaan ay ibinunyag kamakailan ni Senadora Risa Hontiveros na ginawa umanong online scammer ang ilang Pinoy sa Myanmar kung saan sila’y pinahihirapan at halos mamatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *