Bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad simula bukas

Good News sa mga motorista – simula bukas ay ipatutupad ang bagong round ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Babawasan ng P0.45 ang kada litro ng gasolina.

May tapyas naman na P1.45 sa kada litro ng diesel; habang P1.70 naman ang iro-rollback sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang oil price adjustment bukas, alas-sais ng umaga sa Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, Petron, PetroGazz, FlyingV, PTT Philippines, Jetti Petroleum, UniOil, at SeaOil; habang hatinggabi naman ang Caltex Philippines; at alas-otso ng umaga bukas ang CleanFuel Philippines.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Assistant Dir. Rodela Romero na ang dahilan ng rollback ay ang ‘global economic slowdon’.

Ibig-sabihin, bumagal ang kalakaran sa world market, at bumaba rin ang demand sa petrolyo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *