Bayan ng San Marcelino zero active case na sa corona virus disease

Wala nang kaso ng corona virus disease ang bayan ng San Marcelino sa lalawigan ng Zambales.

Base sa datos na inilabas ng Lokal na Pamahalaan, as of December 1 ay zero active case na ang bayan.

Matatandaan na umabot sa 665 ang naitalang kumpirmadong kaso ng corona virus sa San Marcelino at 629 dito ang nakarekober at 36 katao naman ang nasawi.

Samantala, bagamat zero active case na nakikiusap pa rin ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan na ibayong pag-iingat ang dapat gawin para tuluyan nang maiwasan ang virus transmission.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

May be an image of child and text that says 'Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew Maituturing na hamon sa buhay ang pagpapanatiling malusog ang katawan sa kabila ng pandemya. Wag hayaang sakitin at walang healthy lifestyle ang buong pamilya. ww.a www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *