KORONADAL CITY- LUMAGDA na sa kontrata ang local government unit ng Surallah at QONSTECH Construction Corporation para sa itatayong sementeryo dito.
Ang Surallah Memorial Park Phase 1 (Land Development Project) ay itatayo sa Barangay Colongulo sa naturang bayan.
Nasa P 9,999,997 ang approved budget ng kontrata para sa nasabing proyekto.
Saksi sa Contract Signing ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee o BAC ng LGU.