Low-lying areas sa Koronadal, binabantayan laban sa pagbaha!

KORONADAL CITY- NAGPAPATULOY ngayon ang ginagawang monitoring ng city government ng Koronadal sa mga low-lying areas o mga barangay na may malaking risgo sa mga pagbaha at landslide dahil sa madalas na pag-ulan tuwing hapon.

Ayon kay Cyrus Urbano, City Disaster Risk Reduction and Management Officer ng lungsod, nasa anim na mga barangay sa lungsod ang maituturing na highly prone areas sa mga pagbaha at mga landslide.

Kabilang dito ang Barangay Saravia, Assumption, Carpenter Hill, Topland, San Isidro, at Zone III-Poblacion.

Dagdag pa ni Urbano na noong nakaraang araw ilang barangay na sa lungsod ang kanilang pinuntahan kabilang na ang Purok Lower New Leyte sa Barangay Topland kung saan dalawang bahay ang totally damaged habang dalawa naman ang partially damages dahil sa pagbaha.

Samantala nakapagbigay narin ng tulong ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa mga binahang residente.

Paalala naman ng opisyal na maging alerto sa lahat ng oras lalo na sa mga residente na nakatira malapit sa mga sapa o nasa paanan ng mga bundok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *