Bayan ng Tinambac, hindi naman kapagtala ng matinding pinsala matapos ang malakas na lindol kahapon

CAMARINES SUR- Kanya-kanyang baon na kuwento ang mga nagsipasok sa kanilang trabaho, eskwela  at opisina ang mga residente ng Tinambac Camarines Sur matapos ang 4.5 Magnitude na lindol; nagising sa malakas na pagyanig na nasundan ng takot. 

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Romil Estolano R.N na hindi kaagad pinapasok sa munisipyo ang mga empleyado at magsadya, hinintay na matapos ang inspeksyon upang matiyak na ligtas. 9:30 na nang payagan silang makapasok. Nag-ikot din ang mga personahe ng MDRRM at Engineering office sa mga landslide prone area upang tinggan kung may pag guho ng lupa.

Sa over all assessment hindi nagkapagtala ng anuman o matinding pinsala ang bayan. Sa huli pinag-iingat ni Estolano ang lahat at alalahanin aniya ang mga itinuturo sa mga training at seminar sa kaligtasan sa lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *