Resulta ng imbestigasyon ng SPHO sa umano’y kapabayaan ng ilang mga doktor, nasa SP na

Naisumite na sa Committee on Health ng Sangguniang Panlalawigan ang resulta ng imbestigasyon sa reklamo ng ilang pasyente ng Provincial Hospital tungkol sa umano’y kapabayaan ng ilang mga doktor sa nasabing ospital.

Ayon kay 2nd District Board Member at Chairman ng Committee on Health, Demography, Senior Citizens and PWD Roland Anonuevo, hindi pa umano nila maipapalabas ang nasabing impormasyon dahil pag-aaralan pa umano ng kanyang komite kung tama at pantay nga ba ang isinagawang imbestigasyon ng Provincial Health Office (PHO).

Gayunpaman agad naman umano itong ilalabas ng Komite kapag natapos nang busisihin ang resulta.

Matatandaan na nagpalabas ng One False Move, Remove Policy si Sorsogon Governor Boboy Hamor para sa mga kawani ng ospital sa buong lalawigan na hindi gagampanan ng maayos ang kanilang mga tungkulin.

Kung mapapatunayan umano na nagpabaya ang mga personnel ng ospital ay agad itong tatanggalin upang hindi na masira pa ang magandang imahe ng ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *