Bb. PH, nagwithdraw ng prangkisa mula sa Miss Grand International

Inanunsyo ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang opisyal nilang pag-atras mula sa Miss Grand International, at hindi narin ire-renew ang kanilang prangkisa.

Ayon sa Binibining Pilipinas Organization, mananatili parin umano silang committed na mapasaya ang kanilang followers at sponsors sa pamamagitan ng kanilang produksyon ng world-class pageants, na makakatulong sa mga Filipina na maabot ang kanilang fullest potential at makamit ang greatness sa international stage.

Tinapos naman ng BPCI ang naturang anunsyo sa pamamagitan ng pag-alala sa kanilang 60 taon sa pageant industry.

Matatandaan na ang kinatawan ng Pilipinas na si Roberta Tamondong ay nagtapos sa Top 20 ng Miss Grand International 2022.

Pero matapos ang finals, itinalaga si Roberto bilang bagong Miss Grand International 5th runner-up, matapos magbitiw si Yuvna Rinishta ng Mauritius, tatlong araw matapos ang coronation night. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *