2 naglilinis ng fishpond, patay matapos makuryente sa Batangas

Patay ang dalawang trabahante matapos na makuryente habang naglilinis ng fishpond sa Barangay Nonong Casto, Lemery, Batangas, bandang 4:00 ng hapon kahapon ng Lunes, Nobyembre 7, 2022.

Kinilala ng Lemery Municipal Police Station ang mga biktima na sina Mark Anthony Bethel y Marcial, 22 anyos at residente ng naturang barangay at Renante Batchar y Guernaldo, 41 anyos, at tubong Barangay Talo toan, Concepcion, Iloilo.

Ayon sa imbestigasyon, naglilinis ng fishpond ang dalawang biktima nang maapakan ang live wire sa submersible pump.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima sa Barangay Palanas ng naturang bayan ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *