Beyonce, binasag ang all-time Grammy wins record, Harry Styles nakuha ang best album

Binasag ni Pop superstar Beyonce ang record para sa most career wins sa Grammy awards ngunit natalo muli sa prestihiyosong album of the year category sa British singer na si Harry Styles.

Nakakuha si Beyonce ng apat na Grammys at best dance/electronic album. Nalampasan nito ang 31 trophies na nakolekta ng yumaong classical conductor na si Georg Solti.

Sa kabila ng kanyang tagumpay sa paglipas ng mga taon, ang 41-taong-gulang na si Beyonce ay hindi kailanman nakakuha best album trophy. Iniuwi ni Harry Styles ang karangalang iyon para sa “Harry’s House.”

“I’ve been so inspired by every artist in this category,” sabi ni Styles nang tanggapin niya ang award.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *