Donnalyn, na bash na naman sa social media dahil sa buntis issue post

Na bash na naman ng mga netizens si Donnalyn bartolome dahil sa kanyang buntis issue post.

Makalipas ang kanyang sad post ay nag trending n si Donnalyn sa panibago niyang post na tungkol naman sa pagbubuntis.

Agaw-pansin ang naging sagot ni Donnalyn sa isang nag-comment sa kanyang post na tila insecure daw sa kagandahan niya.

Dahil diyan ay samu’t-saring negatibong komento ang natatanggap ni Donnalyn.

Marami sa kanila ang nagsasabing hindi maganda ang pagbibiro niya at tila sinasadya na raw ito ng socmed star upang maging trending.

Dinepensahan naman ito ni Donnalyn at sinabing hindi lang pala dapat puro achievements ang pino-post niya sa socmed kundi pati na rin ang hirap na nararanasan niya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *