BFAR Bicol nagbabala sa mga nagtitinda ng shellfishes sa NCPM mula sa red tide affected areas

NAGA CITY- Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR -Bicol sa mga nagtitinda ng shellfishes lalo na tahong kasunod ng local red tide warning.

Sa abiso ng ahensya positibo sa red tide toxin ang karagatan ng Milagros, Masbate at buong Sorsogon pero sa update ng BFAR negatibo na sa red tide toxin ang Sorsogon Bay.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR Bicol na delikado kapag nakakain ng produktong dagat na positibo sa toxin, maaari aniyang mamatay tulad nang nangyari noon sa ilang Sorsoganon, inaatake ang central nervous system ng katawan.

Kung may tinda aniyang tahong kasama na ang alamang, dapat may dokumentong patunay na hindi mula sa apektadong lugar ang supply. May mga pagkakataon kasi na kahit bawal ilabas ang produkto mula may red tide may supply pa rin sa Naga City People’s Mall at ibang merkado sa Camarines Sur. Ayon sa mga negosyante mula sa Northern Samar ang kanilang tinda.

Sana aniya nagbabantay ang mga lokal na pamahalaan sa kani-kanilang merkado publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *