BFAR, siniguro na gagamitin ang confidential funds upang labanan ang smuggling

Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang maaprubahang confidential funds ng ahensya ay gagamitin para sa pagpapatupad ng batas upang labanan ang smuggling sa sektor ng pangisdaan.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, maaaring magrekomenda ang Senado ng paglalaan ng confidential funds sa BFAR kung maipapakita nito kung alin sa mga anti-smuggling program nito ang nangangailangan ng naturang pondo.

Kumpyansa naman si BFAR Director Demosthenes Escoto sa papel ng bureau sa pagsugpo sa smuggling sa mga produktong isda.

Dagdag pa nito na maaring ipamahagi ito sa magiging monitoring control surveillance ng law enforcement, quality control inspection para sa ikalawang border inspection, at quarantine registration at paglilisensya para sa accreditation ng cold storages.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *