PCG, pinuri ni Pangulong Marcos dahil sa magandang serbisyo

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magandang performance ng Philippine Coast Guard lalo na sa pangangasiwa sa maritime security.

Sinabi ni Pangulong Marcos, na naging matatag ang Pilipinas dahil sa ipinakitang propesyunalismo, disiplina at integridad ng mga tauhan ng PCG.

Nanatiling matatag ang PCG sa kabila ng mga hamon at panganib para maipagtanggol ang soberanya ng bansa.

Tiniyak ng Presidente na magpapatuloy ang pagsuporta ng gobyerno sa PCG lalo na sa pagpapalakas ng kakayahan at modernisasyon para mas lalo pang mapaigting ang pangangasiwa at pagtiyak sa seguridad ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *