BFAR Sorsogon at iba pa, sanib puwersa sa malawakang mangrove planting

SORSOGON CITY – Target ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Sorsogon na makapagtanim ng mahigit dalawang libong (2,000) bakawan sa kanilang ikukunduktang malawakang mangrove planting sa araw ng Miyerkules, Mayo 25, sa coastal area ng Barangay Salvacion Distrito ng Bacon lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News FM kay (BFAR)-Sorsogon head Arnold Claveron, sinabi nito na ang nasabing aktibidad ay lalahukan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, mga law enforcement agencies at ilang Non-Government Organizations (NGO’s).

Layunin nito na mas lalo pang mapasigla ang ilang bahagi ng karagatan sa Bacon kung saan libo-libong mangingisda ang umaasa rito bilang kabuhayan.

Aniya pa, ang tuloy tuloy na mga aktibidad ng pagtatanim ng mga bakawan ay malaking tulong upang mapantayan ang overfishing at mas dumami pa ang mga laman dagat na makukuha rito hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Hinikayat rin ng opisyal ang lahat ng mga nais na magsagawa ng Tree at Mangrove planting na makipag ugnayan lamang sa kanilang ahensya kung saan buong puso umano nila ang mga itong tutulungan at susuportahan sa abot ng kanilang makakaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *